Ilabas mo Lang
I guess my luck kicked Philo's butt! Haha! I really really love you Luck-ee! hehe..
Ayan na naman siya. Lalabas na naman. Hindi na ba siya nagsasawa? Hindi ba niya alam na masmapapaaga ang pagsasakabilang buhay niya sa ginagawa niya?
Lalabas na naman siya ng yunit. Siyempre, nasa sala ang computer, nalalaman ko kung sino ang labas-pasok. Ayan na naman siya. Akala niya siguro hindi ko alam. Akala niya siguro tanga ako na hindi ko namamalayan. Akala niya siguro masyado akong absorbed sa sarili kong buhay. Habang papalabas sinabi niya, "Sa'n mo ba iniwan ang susi, Kuya Jerry?" Sus! Palusot pa siya na kunwari hahanapin nila susi. Hello?!? Siya? Hahanapin ang susi kasama ang drayber? Eh sa tamad niyang yan, walang pakealam kahit macarnap pa ata ang kotse eh.
'Pag naiisip ko ang ginagawa niya, iisang litrato lang ang naiimagine ko - kabaong. Isang malaking kabaong para sa isang matabang dalaga. Nakapalibot ang mga kapamilyang nag-iiyakan at sinisisi ang sarili na hindi napigilan ang pagkamatay. Tsk.
Hindi ko alam kung bakit ba ganun na lang ang buhay non.
Hindi ko alam kung bakit ba ganun na lang ang buhay non.
Hindi na niya siguro iniisip na maaring mangyari sa kanya 'yun. Ang alam lang niya, gusto niyang gawin yon. Naadik siguro. Naeenjoy niya eh. Ayaw na rin niyang papigil. Kahit anong suway ko. Kahit anong sermon ko na masmasahol pa sa sermon ng mga Dominikanong prayle, wa epek. Ganon katigas ang ulo niya.
Siguro hindi na lang din niya iniisip (sabi ko sa inyo eh, dapatmag-isip) kung ano consequences ng mga ginagawa niya. O baka may sarili siyang rason na ayaw niyang ibahagi sa amin. Siguro di siya makatae nang maayos. O baka may nang-iipit at pumipilit na gawin niya yon. Naimpluwensiyahan na rin siguro ng mga katropa. At siguro isang matimbang na dahilan dito kaya patuloy pa rin siya, kasi marami siyang nakikitang kapareha niya at masmatagal nang ganon na hindi pa naman patay.
Kahit ano pa mang rason niya, siguro naman alam niya na mali yon. Na siya rin ang magsisisi sa huli. Pero kailangan pa atang abutin niya ang huli bago niya maintindihan.
Tsk tsk.. Naaawa lang ako. Hithit nang hithit sa yosing kadiri. Sunog na baga mo. Itigil mo na. Hindi naman para sa akin ang pangsusuway ko eh. Para rin sa'yo to, epal.