Saturday, July 22, 2006

Tokneneng Ni Manong


Philosophy is my new enemy.
And it's going to attack on Monday! Waaah! Help me, Papa God!
*try ko Filipino*
Hindi niyo ba naisip na ang sobrang pag-iisip ay nakakasira ng bait ng tao? Isipin mo na lang, kung ang lahat iisipin mo pa ng sobra sobra, ano na kayang mangyayari sa'yo.
Tulad ng pagbili kunwari ng tokneneng sa kanto, iisipin mo pa kung bibili ka o hindi. Kasi baka pag kumain ka ng isa, gugustuhin mo pa ang isa. At baka maubos ang pera mo, wala ka nang pamasahe pauwi. Ibig sabihin lalakarin mo yun!? Sus! Please lang.
Pero kung di ka naman bibili, mamimiss mo ang lasa ng streetfood na to. Sayang naman, minsan minsan ka na nga lang makadaan sa may tokneneng, di ka pa bibili. O kaya iniisip mo na marumi na yang pagkaing yan. Baka magkatyphoid ka pa, eh di masmalaking gastos naman yun.
At kung bibili ka rin, ilan ang bibilin mo? anong sawsawan gagamitin mo? san mo kakainin, doon na ba sa kanto, habang naglalakad at nagmumuni-muni, o pag-uwi mo na lang?
Kung dun sa kanto naman, baka may makakita sa'yong kumakain ng *yuck* dirty food. That's so eeky. Eh di sira na reputasyon mo (kung ganyan ka nga mag-isip). O di kaya mas marurumihan pagkain mo kasi asa kanto ka at maraming sasakyang *smoke belcher* ang dumadaan?
Kung habang naglalakad ka naman pauwi tyaka mo kinain, hindi kaya masyado kang masarapan at hindi mo namalayang may manhole na pala sa harapan mo at ikaw ay nahulog. Magcocomplain ka pa sa pinakamalapit na daingan dahil walang sign na nagbabadya ng isang butas sa daan. Eh di nawala na sa isip mo ang tokneneng at iba na naman ang iniisip mo. Pwede rin namang pag habang naglalakad mo kinain ang tokneneng eh may humablot na ng pitaka o selepono mo sa bag mo nang dimo namamalayan kasi sarap na sarap ka nga at ang iniisip mo lang eh ang pagkaing iyong kinakain.
Pero pag sa bahay mo pa kakainin, eh di hindi na siya mainit? At hindi kaya humingi mga kasambahay mo? Eh pano kung humingi sila, eh di hindi na nakakabusog kasi konti na lang makakain mo. Pera mo rin yon. Nakakahiya namang sabihing bumili sila ng sarili nilang tokneneng. Hindi ba?
At pag nakain mo na ang tokneneng at nasarapan ka, bibili ka pa ba? babalikan mo pa ba yung kantong yun? I-susuggest mo ba sa iba na doon na lang dumaan kapag uwian para makatikim ng tokneneng ni manong?
O pag di ka naman nasarapan, idedemand mo ba na ibalik niya ang pera mo? O hahayaan mo na lang at never ka nang babalik don?
Pero teka, kung gusto mong ipabalik ang pera mo at ayaw niya, anong gagawin mo? Hihingi ng saklolo? Mananawagan sa Imbestigador? Makikipagsabunutan at sumigaw sigaw sa kalye? o aalis ka na lang at mag-iisip kung ano pwede mong gawin sa manong na yon?
So ano? Bibili ka ba ng tokneneng o hindi?
Abnormal lang siguro mag-iisip nito. Pero still.. Isipin mo na lang.....