Friday, October 6, 2006

Sino ako? Hindi, prutas!

What you see is not always what you get.

Nakakainis isipin na lahat ng tao pare-pareho. Siguro nga hindi naman totoo talaga 'yun kasi ang turo sa atin, "we are all unique in our own ways." Siguro nga mas-okay na rin na pareho ang lahat ng tao sa mga ibang bagay.

Isipin mo na lang, ang kapitbahay mo hindi tumatae (kasi unique nga siya). Eh di maiinggit ka kasi hindi na niya kailangang magbawas pa. Kapag nasa harap ka ng computer at jebs na jebs ka na, kailangan mo munang mag-CR. Eh yung kapitbahay mo, kahit na ilang oras pa yang magbabad sa computer, walang jebs break 'yan! O, naiinggit ka na ba?

Ito pa, kung ang iba may buntot at ang iba wala, eh di magkakainggitan na naman.
"Hah! Ako may buntot ikaw wala! Behlat!"
"Okay lang at least ako may ala-Wolverine na kamay! Kalmutin ko yang buntot mo eh!"
o kaya
"Uy sis, tignan mo si CHakaChuva. Bakit sa dinami-dami ng taong (tao pa ba to) na bibigyan ng ganyan kagandang mukha sa pwet, siya pa! It's so unfair!"


Ganyan marahil ang kalalabasan ng buhay ng mga tao-yata kung unique tayo sa pisikal na anyo. Malamang kailangan uling mag-aral ni Dr. Viki Belo ng bagong paraan ng plastic surgery. Marami sigurong gustong magpadagdag ng pangatlong boob!

Sa panloob naman, naranasan niyo na ba makarinig ng taong nagsasabi - "Alam mo, naaalala ko sa'yo 'yung kapatid ng pamangkin ng auntie ng papa ng kaklase ng housemate ng boyfriend ng ate ko. Grabe! Parehong pareho kayo sa ugali! Lalo na 'yang pagkacorny niyo!"

Ano? Matutuwa ba kayo at may kapareha raw kayo na isang taong nabubuhay rin sa iyong inaapakang lupa? Masaya bang isipin na hindi lang ikaw ang ganon? Na baka hindi lang isa ang kapareha mo at marami pang anuman-ang-pangalan-mo sa mundo?

Malay ko sa'yo pero ako, nalulungkot. Eh sa katawan pareho-pareho lang tayo, pati ugali mo kukunin pa? Sobra naman na ata yon diba?

Pero sabi nga nila, sa karanasan daw kayo magkakatalo. Bakit, naranasan na ba niyang kumain ng saging na nakasabit ang paa sa puno ng mangga sa bakuran ng tiyuhin namin? Aba! Talagang masho-shock ako kung nagawa na niya un! Nasubukan na rin ba niyang paghabulan siya ng mga prinsipe/prinsesa dahil sa kanyang angking ganda/poginess? Ay teka, panaginip lang pala yun. Pero kahit na, napanaginipan na ba niya yon? Hindi pa diba?

Ang buhay parang mangga. Sa una maasim. Pero pag hinintay mong mahinog, matamis na siya. Ano ibig sabihin? Kayo na mag-interpret.

Basta ako, marami pang gagawin.. Baboosh!