Sunday, October 8, 2006

Okay talaga ang #7.

What you see is not always what you get.

Simple lang ang pangarap ko sa buhay. "Maging masaya."

Pero pano ba maging masaya? Para sakin, gusto ko lahat ng gusto ko nakukuha ko. Gusto ko ng kotse, ng sariling bahay, ng mataas na posisyon sa isang research at development institute. Kailangan ko ng pera at ng autoridad. Para makuha ko toh, kailangan kilala ako. Kailangan may hanapbuhay akong makakapaglago sa aking kalagayan. Para makamtan ko ito, dapat may pinag-aralan ako. Dapat mataas ang makuha kong marka sa graduation at dapat makatopnotch sa boards. Para mangyari ito, dapat mag-aral ako ng mabuti. Dapat maayos ang grades sa lahat ng subjects. Dapat present sa lahat ng klase.

Simple lang ang pangarap ko sa buhay. Pero komplikado ang daan papunta rito.

Sana di ako maligaw.