Friday, July 1, 2005

ako ay isang bobo.

MahiLig Ako sa TagaLuBid..

Mahilig ako sa tagalubid. Pero hindi ko alam kung mahilig ang mga tagalubid sa tinapay. Dati siguro meron pang chance na may gusto rin siyang tinapay. Pero ngayon, sa napapansin ko, wala na.

Natulugan ko lang naman siya.. Nagalit na.. Naaawa ako sa sarili ko. Hay ewan. Feeling ko lagi akong naaapi.. Sana hindi naman totoo. Baka feeling rin niya naaapi siya. Hindi ba?

Ang lungkot ng araw ko kanina. Sobra. Parang gumunaw ang mga expectations ko sa sarili ko. Biglang naglaho. Tapos sinabi ko pa sa taong sanhi ng pagkabuwag nito. Haha! Nakakatuwa ano? Kaya pala no comment siya nung kinuwento ko. Kasi alam niya. Nahihiya tuloy ako. Kasi alam niyang i wanted that position so badly. Ugh! I hate myself. Masama pa rin ang loob ko hanggang ngayon. Pero at least hindi na katulad nung kanina.

Parang nawalang ako ng boses. Inipit ang vocal cords ko. Pilitin ko mang kumanta kasabay sa banda, pilitin ko mang lunukin ang aking plema, subukin ko mang ikwento ang nararamdaman ko, hindi ko kaya. May bara sa likod ng throat ko na hindi maalis.

Tinanong ko si sir kung pwede sabihin na niya sa akin ang verdict para puwede ko ibuhos depression ko sa weekends para at least mas madaling ipakitang tanggap ko na pagdating ng Monday.


Naawa lang talaga sa akin si sir eh. Alam ko yun lang talaga ang reason kung bakit siya nagpaka-lenient.

Alam ko hindi ako kagalingan sa pagsulat. Ikinahihiya ko sarili ko. Naaawa ako sa sarili ko dahil alam kong (baka) kukunin lang ako dahil naawa rin sila sa akin. Ganon ako ka-loser. I suck. Im a big fat loser. I hate myself. Ugh!


Sana maayos na lahat ng problema ko.. Ayoko ng kalungkutan. Ayoko nang umiyak. Ayoko nang tumahimik. Ayoko ng mabigat na puso. Ayoko ng simangot. Ayoko ng masamang loob.



Help me po Papa God.....