Sunday, June 12, 2005

Magulo..

MahiLig Ako sa TagaLuBid..
Maraming bagay ang gumugulo sa isip ng mga tao. Alam kong hindi ako nag-iisa sa pagiging confused sa mga bagay-bagay. Pare-pareho lang naman tayong mga tao eh. Kahit na ikaw ang pinaka-mayaman, pinaka-matalino, pinaka-maganda - pare-pareho lang tayo. Lahat nagbabawas, kumakain, umuutot, umiiyak. Pareho lahat ng iniisip. Walang naiiba.


Nakakainis isipin na lahat tayo pare-pareho. Ayoko ng ganitong klaseng pananaw kasi nawawala bilib ko sa sarili ko. Nagiging malungkot ang buhay ko kasi ang lagi kong naiisip ay walang kwenta ang buhay ko. It's not out of the ordinary. It's not special. It's just what it is. Wala na akong ganang gawin ang mga bagay-bagay.


Minsan iniisip ko rin kung ano iniisip ng mga tao. Siguro iniisip nila, isa lang ako sa mga taong nagble-blend in. Isa lang ako sa mga walang kwentang nilalang na nabubuhay dito. Isa lang ako sa mga nagdadagdag sa baho ng lupa. Wala lang ako. Epal. Invisible. Corny'ng taong hindi na dapat pinapansin.


Ayoko nga talaga ng ganitong pag-iisip. Bakit nga ba ganito ang point of view ko?


Sabi nila, you have to have a goal. And what goal do I have? Ano ang nagpapatakbo sa akin? Hindi ko alam. Wala siguro. Para akong namatay nang biglaan. Magulo ang isip ko. Hindi ako kuntento sa nangyayari sa akin. Walang nangyayari sa akin actually. Isa rin ito sa mga rason kung bakit ayoko ang buhay ko.


Sabi nila, God is the answer. Ano gagawin ko? Magsimba? Magdasal? Magpapakita ba siya sa akin kapag ginawa ko ang lahat? Magbibigay ba siya ng sign at ako na ba ang susunod na Moses? Ewan. Sana. Pero noong bata ako, maka-Diyos ako, (ata), nagpakita ba siya? Hindi. Pero masaya pa ako noon. Siguro kailangan kong magpakatatag ng faith. At siguro, sasaya uli ako.


Ano pa nga ba ang sabi nila..? Naku! Ang bata ko pa para ma-experience ang midlife crisis noh. Pero parang ganun ang nangyayari sa akin eh. Parang ambilis kong tumanda. Masmatanda na ako kaysa sa ate avi ko. (Lagi nga nilang sinasabi na: Ate Bern, Ako, tapos Ate Avi ang bunso) Dati dinedeny ko pa. Pero ngayon, tanggap ko na. Matanda na nga ako.<br>

Eh ano ngayon kung mas matanda ako kesa sa dapat ng asal ko? Masmarami akong napag-daanan sa aming tatlong babae. (Hindi ko iyon masasabi sa 2 kong kuya kasi hindi ko naman alam kung ano nangyari at nangyayari sa buhay nila). Masnahirapan ako sa pag-aadjust kasi I experienced it firsthand. Eh sila, naririnig-rinig lang nila sa akin. Hindi nila naramdaman mismo. Matanda na ako. Pero wala akong magawa. Wala akong silbi.


Gusto ko nang magkapera pero sa lugar na ganito, limited lang ang pwedeng gawin. Hindi ko alam kung ano pwede ko gawin para naman makalikom ako ng sarili kong pera. Medyo tatanga-tanga ako pagdating sa pera eh. Gastos lang ang alam ko. Naaawa ako sa sarili ko.<br>

Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Takasan ko na lang kaya lahat? Bahala na. Sana makatakas nga ako. Malamang kapag nalabas ako, marami akong ma-e-expand na boundaries. Ipagdadasal ko na lang na bigyan ako ng milagro.




Ayusin ko muna kaya computer ko?