Saturday, October 22, 2005

bahala na.

I pity the man who pities himself.

Kaya nga lagi kong kinakaawaan sarili ko kasi kinakawawa ko sarili ko.. haha! tama ba? walang magawa.. ang laking epal ng buhay.. ganyanan na pala.. ganun lang kadali yun.. bahala ka.. kung yun naman ang gusto mo diba? ilang beses ko nang sinabi toh sa ibang tao. ngayon sasabihin ko nanaman dahil sayo,

hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa taong ayaw ako.

masakit nga oo. kaya lang para naman akong tanga kung maghohope pa ako
na meron pang chance na bati tau kung wala naman talaga... nakakalungkot lang
ang nangyari. pero kung yan ang gusto mo. kung ito ang gusto mo. at kung masaya
ka na sa buhay mo, wala akong magagawa. alangan naman na magmakaawa ako sau na maging friend mo pa ako kung ayaw mo naman na talaga diba? Gusto kitang maging friend. Pero wala na akong magagawa.. maghihintay nalang ako if ever na magbago ang ihip ng hangin. natatahimik ako pag naaalala kita. naiinggit ako kapag pinagkwekwentuhan nilang nakausap kanila. diko nalang pinapahalata. ayoko rin namang aminin na hindi mo na ako kinikilala. parang wala lang taung pinagsamahan. okay lang siguro sakin toh.. okay lang.....