Friday, February 18, 2005

this is my dream...

Ako ay may pangarap
Ako ay may panaginip
ang mundo ay walang maskara
na nagtatago ng tunay na nadarama
Hindi mo namamalayan pero ikaw ay nagiging isa
isa sa mga maraming kawawa
mahilig magtago sa maskara
Iba't ibang gawainna iyong ginagawa
ngunit hindi para sa iyo
kundi para sa iba
Mahilig kang magbalat kayo
Takot magpakatotoo
Hindi natutong mag-isip
Hindi marunong sumisid
Ako ay may pangarap
Ako'y may panaginip
Ikaw ay handang lumaban
Ipakita ang iyong sariling katauhan