Thursday, November 3, 2005

just kill me and be over with.

tama ba? wala lang. hay. malungkot ako. hindi ko alam kung bakit. may mga namimiss siguro. gusto kong bumalik doon sa dati. nung bata pa ako. nung bata pa utak ko. bata pa mata ko. hindi puno ng eyebugs. naiinis ako sa sarili ko. iba na ako. sana pag tanda ko, bumalik ako sa pagkabata. mas masaya yun. promise. tignan nio, wala na akong panahon. wala na akong kilala. wala na akong ka-ek-ekan. (except siguro ung earrings na orange and blue) haha! sige na nga. medyo bata. pero most of the time, para ng akong nagsusuffer ng middle age crisis. i am losing myself. nawawala ako. MONICA!!! asan ka na!?!?! haha.. wala lng.. nagpapakabaliw lang. gusto kong ilabas toh. dahil kung hindi, maslalo akong mangingiyak ngiyak. gusto kong bumalik sa panahong hinihintay ko ang duhat na mahulog sa bunganga ko. yun bang wala kang pakealam sa ibang bagay. bsta pumapatay lng ng oras na nakahiga at ang tanging iniisip ay ang duhat na siguradong masarap kahit na hindi pa hinugasan. ganun ang gusto kong buhay. o di naman kaya, gusto kong sumakay sa isang magarang kotse na may sariling driver na kahit saan ako pumunta pwede. pwede rin ung sasakay ako. tapos pabalik balik lang kami sa 2 lugar. like bahay den sa mall na pagkalayo-layo. tapos balik agad ng bahay dahil may nakalimutan. tapos balik ulet ng mall.. habang nagsasaya ako, bibigyan ko lang ng perang pangmerienda tapos oks na xa. ako naman, magsasaya at maliliwaliw lang hanggang sa magsawa at mapagod at maantok. pagkatapos uuwi na. pero hindi na ganun ang buhay ko. hindi na ako bata. kahit na bata naman talaga ako. malaki na ang eyebugs ko. malimit na akong humiga at maghintay ng duhat. wala na. babye na... alis na ako. andyan na ang totoong buhay ko.